Posts

Jeepney Modernization - GROUP 1

Image
Modernisasyon ng Jeepney para sa pampublikong transportasyon ng Pilipinas Mas makakabuti nga ba na ipatupad ang jeepney modernization? Higit bang makakabuti ang pagtupad ng jeepney modernization sa ating kalikasan at kaginhawaan ng mga pasahero? Sino- sino nga ba ang makikinabang dito? Ang mga komyuter, tsuper o ang gobyerno? Ang Jeepney ay naging bahagi na ng transportasyon at maging kultura sa Pilipinas. Ayon kay Zach Golez (2023) Ang Jeepney ay isang simbolo ng transportasyon ng Pilipinas. Ito ay isang orihinal na binuo mula sa mga jeep ng militar na natitira sa World War II. Ang Jeepney na makukulay at maingay na sasakyan ay naging pangunahing daan ng mga kalsada sa Pilipinas sa loob ng mga dekada. Ito'y isang malaking tulong at pangunahing paraan sa mga tao lalo na sa mga komyuter. Ang programa ng modernisasyon ng jeepney ay ipinatupad noong panahon ni President Noynoy Aquino at ipinagpatuloy ng administrasyon ni Duterte. Hindi ito naipatupad nang lubusan dahil s...