Jeepney Modernization - GROUP 1
Modernisasyon ng Jeepney para sa pampublikong transportasyon ng Pilipinas
Ang Jeepney ay naging bahagi na ng transportasyon at maging kultura sa Pilipinas. Ayon kay Zach Golez (2023) Ang Jeepney ay isang simbolo ng transportasyon ng Pilipinas. Ito ay isang orihinal na binuo mula sa mga jeep ng militar na natitira sa World War II. Ang Jeepney na makukulay at maingay na sasakyan ay naging pangunahing daan ng mga kalsada sa Pilipinas sa loob ng mga dekada. Ito'y isang malaking tulong at pangunahing paraan sa mga tao lalo na sa mga komyuter. Ang programa ng modernisasyon ng jeepney ay ipinatupad noong panahon ni President Noynoy Aquino at ipinagpatuloy ng administrasyon ni Duterte. Hindi ito naipatupad nang lubusan dahil sa banta ng transport groups na magtigil ng operasyon. Sa nagdaang taon, walang konkretong pag-usad sa modernisasyon ng mga jeepney. Ang jeepney modernization program ng gobyerno ay nangangailangan ng masusing pagsusuri at hindi maaaring simpleng ipatupad na parang walang saysay.
Ang pag sasagawa ng Jeepney Modernization ay isang magandang ideya at kailangan talaga sa ating lipunang ginagalawan sa kadahilang namumuhay na tayo sa mabilis at advance na teknolohiya, tsaka ang Jeepney Modernization na ito ay may positibong dulot o epekto sa ating kapaligiran. Ang Jeepney Modernization ay hakbang patungo sa Jeepney phaseout at kung isa ka sa mga sumang ayon sa jeepney phaseout para mo na ring sinang ayunan ang pag patay sa napakaraming Pilipino, “Ang laban ng tsuper, ay laban din nating mga komyuter “- ika nga ng karamihang komyuter. Sa paraang ang mga jeepney driver ay kailangang unahin ang pagbabayad ng kanilang mga utang, at pambayad sa modernong jeep na kanilang gagamitin kaysa unahin ang makakain ng kanilang pamilya. Maari din itong mag dulot ng pag taas ng porsyento ng criminal cases dahil ang ibang taong gutom at walang makain sa patalim nakapit, Ayon sa Philippine News, Ki (2020) Dahil sa kahirapan, ang mga tao ay hindi kayang iwasan na kumapit na lamang sa patalim, o isakripisyo ang sarili upang mabuhay lamang. Kadalasan, ang mga taong kapit sa patalim ay pumapasok sa mga gawaing krimen para lamang ma tustusan ang pang araw-araw na pangagailangan. Hindi lang yun, jeep o mini bus na kung tawagin ay nag kakahalaga ng 3-4 Million pesos at kinakailangan nilang mag bigay ng downpaymet na umaabot ng 100,000 pesos at 60,000 pesos naman para sa pag babayad nito kada buwan. Alam naman natin na hindi kayang bayaran ng mga Jeepney Drivers ang ganung kalaking halaga. Idagdag pa natin rito ang kanilang ibinabayad na Langis o petroleum, Hinggil kay Dela Cruz (2023) base sa mga kompanya ng langis, aabutin ito ng 30 sentimos kada litro ang taas presyo nila sa gasolina, 70 sentimos ang taas sa kada litro ng diesel at 80 sentimos ang taas sa kada litro ng kerosene.
Laging sinasabi ng gobyerno na tangkilikin ang sariling atin
ngunit sila mismo hindi nila magawa at hindi pa sapat ang kanilang na
i-isuporta sa mga tsuper, dahilanang mas humirap pa para sa ilang mga tsuper ng
mga jeep na i-upgrade ang kanilang mga sasakyan. Batay kay Zach Golez (2023)
Ang mga gobyerno raw ay hindi sapat ang kanilang na i-isuporta na pinansiyal at
teknikal para sa mga tsuper ng jeep upang matulungan silang lumipat sa mga
modernong sasakyan. Tsaka napakaraming Filipino Jeepney producer ang kayang
gumawa ng modern Jeepney kung saan napapanatili nila ang orihinal na disenyo
nito, ngunit pinipili ng gobyerno na tumangkilik ng mga modern Jeepney sa ibang
bansa at mag angkat. Mas mainam munang suportahan o tulungan sila sa pagbibigay
ng pinansiyal at teknikal upang matulungan ng mga gobyerno ang mga tsuper ng
jeep na makausad at lumipat sa mga modernong sasakyan.
Sa kabuuan, ang modernisasyon ng jeepney para sa
pampublikong transportasyon ng Pilipinas ay isang kontrobersyal na isyu na
nangangailangan ng masusing pagsusuri. Bagamat maganda ang layunin ng
modernisasyon, na naglalayong umangkop sa mabilis at advanced na teknolohiya,
maraming aspeto ang dapat bigyang pansin. Napakahalaga ang Jeepney bilang isang
simbolo ng transportasyon at kultura sa Pilipinas, ngunit maaaring magdulot ito
ng mga problemang hindi dapat balewalain. Ang programang ito ay posibleng makaapekto
sa kabuhayan ng mga jeepney driver, lalo na sa aspeto ng pagbabayad ng kanilang
utang at downpayment para sa modernong jeep. Ang posibilidad ng pagtaas ng
kriminalidad dahil sa pagkakaroon ng pinansiyal na problema ay isang aspeto rin
na dapat isaalang-alang. Mayroong pangangailangan para sa masusing pag-aaral, pagsusuri,
at konsultasyon sa iba't ibang sektor
upang matiyak na ang modernisasyon ay magiging matagumpay at hindi magdadala ng
hindi inaasahang epekto sa lipunan. Ang pagsasakatuparan nito nang hindi
lubusan ay maaaring magresulta sa pagtutol ng mga transport groups at mawalan
ng suporta mula sa mga direktang naapektohan. Sa huli, kailangan ng balanse at maingat na pagpaplano para
sa modernisasyon ng jeepney, na naglalayong mapanatili ang kultura at identidad
ng transportasyon sa Pilipinas habang nag-aadapt sa pangangailangan ng mas
mabilis at modernong sistema.
References:
https://www.coursehero.com/file/203859327/PAGREAD-JEEPNEY-MODERNIZATIONdocx/




Comments
Post a Comment